• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 arestado sa sugal at shabu sa Valenzuela

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

 

Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador DesturaJr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dalandanan Sub-Station 6 sa Brgy. Dalandanan nang ireport sa kanila ng isang concerned citizen ang hinggil sa dalawang lalaki na naglalaro ng ‘cara y cruz’ sa Overland St., Sumilang Subd., sa naturang barangay.

 

 

 

Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan naaktuhan nila ang dalawang suspek na sina alyas “Matunan”, 21, at alyas “Marcelo”, 37, na naglalaro ng cara y cruz dakong alas-5:20 ng hapon.

 

 

 

Nang sitahin, nagtangkang pumalag si “Marcelo” subalit naaresto din siya at kanyang kasama ng mga pulis kung saan nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, P195 bet money at tatlong peson coin na gamit bilang ‘pangara’.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law/Cara y Cruz), Art 151 of RPC (Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)