• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, bigo na mapagtagumpayan ang target para makalabas sa ‘grey list’ nitong Enero 2024

NABIGO ang Pilipinas na mapagtagumpayan ang target na makalabas sa Financial Action Task Force’s (FATF’s) “grey list” nitong Enero 2024.

 

 

Subalit tinanggap ng pamahalaan ang pagbanggit sa lokal na pagsisikap para tugunan ang mga concern ng watchdog.

 

 

Sa ulat na may petsang Pebrero 23, inilagay ng FATF ang Pilipinas sa ilalim ng “increased monitoring,”nagpapahiwatig na ang hurisdiksyon ay aktibong gumagana kasama ang “strategic deficiencies” sa pagsisikap kontra “money laundering, terrorist financing, at proliferation financing.”

 

 

Nauna nang sinabi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na layon ng gobyerno na makalabas o makaalis sa listahan nitong January 2024, matapos makasama sa listahan noong 2021.

 

 

Ang progreso sa anti-money laundering and combating financing of terrorism (AML/CFT) ay masusing nirebisa ng FATF noong Oktubre 2023, matapos na mabigo ang Pilipinas na mapagtagumpayan ang target nito sa January 2023 deadline na ibinigay ng watchdog.

 

 

“Since June 2021, when the Philippines made a high-level political commitment to work with the FATF and APG (Asia/Pacific Group on Money Laundering)… the Philippines has taken steps towards improving its AML/CFT regime, including identifying and investigating TF (terrorism financing) cases,” ayon sa FATF.

 

 

Winika pa rin nito na kailangang ipagpatuloy ng Pilipinas na trabahuhin at gawin ang action plan nito kabilang na ang pagpapakita ng epektibong risk-based supervision ng designated non-financial businesses and professions (DNFBPs).

 

 

Tinuran ng FATF na kailangan din na trabahuhin ng Pilipinas at ipakita na ang mga supervisor ay gumagamit ng kontrol para tugunan ang panganib na nakaugnay sa casino junkets, at palakasin ang pag-streamline sa access ng mga law enforcement agencies para sa kapaki-pakinabang na ownership information na dapat ay up-to-date.

 

 

Sinabi naman ng watchdog na kailangan din na maipakita ng bansa na tumaas ang imbestigasyon at paglilitis laban sa money laundering at sa prosekusyon ng terrorism financing cases.

 

 

“The FATF urges the Philippines to swiftly implement its action plan to address the above-mentioned strategic deficiencies as soon as possible as all deadlines expired in January 2023,” anito.

 

 

Tinanggap naman ng AMLC ang pinakabagong ulat sabay sabing tinukoy ng FATF ang mga hakbang ng Pilipinas para mapagbuti ang AML/CFT regime nito. (Daris Jose)