• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 7:06 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz

ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.

 

Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ in line sa upcoming GMA serye nila na ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.

 

At sa kanyang guesting, ipinaalala ni Jason ang kabutihan sa kanya ni Boy Abunda.

 

Isa si Kuya Boy sa mga judge ng Star Circle noong kasali si Jason.

 

“Ikukuwento ko lang po,” lahad ni Jason, “kailangang malaman ng buong tao kung gaano kabait si Tito Boy.

 

“Na-out ako sa isang show, nagbigay siya ng isang tseke sa akin.

 

“Sabi niya, ‘Anak, ibigay mo sa nanay mo kapag umuwi ka sa inyo para meron kang pasalubong.’

 

“Ganoon po kabait si Tito Boy,” kuwento pa ni Jason.

 

Kahit hiyang-hiya ay halata namang touched si Kuya Boy sa kuwento ni Jason na siya man mismo ay hindi na maalala na nangyari.

 

Samantala, isa rin sa naitanong kay Jason ay kung papayagan ba niyang muling sumali ang misis na si Vickie Rushton sa Miss Universe Philippines, lalo ngayon na puwede na ang may asawa, anak, at wala na ring age restriction dito.

 

“Oo naman,” ang mabilis na bulalas ni Jason.

 

“Lagi naman ganoon, laging kung ano ‘yung gusto mong gawin, gawin mo.

 

“Kasi hindi naman laging tayo magkasama. May trabaho ako so minsan maiinip ka rin sa buhay,” pahayag pa ni Jason.

 

Twice sumali si Vickie sa Binibining Pilipinas, noong 2018 kung saan 1st runner-up siya at nitong 2019 kung saan hindi siya nakapuwesto.

 

***

 

LUMABAS ang pagka-komedyana ni Thea Tolentino sa pelikulang ‘Take Me To Banaue’ na kahit siya ay nagulat.

 

“Sobrang nagulat din ako kasi off-cam tumatawa din yung mga… yung mga nasa taping tumatawa din sila. Kaya ko palang maging funny kahit papaano,” ang nanatawang pagbabahagi ni Thea.

 

Mapapanood ang ‘Take Me To Banaue’ via streaming sa www.takemetobanauefilm.com na nagkaroon na rin ng mga special premieres at screenings sa iba-ibang bansa tulad ng Amerika.

 

Ang iba nga rito ay dinaluhan pa ni Thea, na first time makapunta sa Amerika.

 

“Yes, parang may ten screenings dun tapos dun sa ten, tatlo lang yung napuntahan ko.

 

“Sobrang saya kasi first time ko ding mag-US and iba, iba yung pagtanggap ng mga kababayan natin dun, kasi nami-miss nila ang Pilipinas.

 

“Tuwang-tuwa sila na napapanood nila sa big screen ang Pilipinas, kung gaano kaganda ‘to.”

 

At nito ngang Pebrero 10 ay unang beses na napanood ang pelikula dito mismo sa Pilipinas.

 

“Sobrang happy ako na finally napanood niyo ‘to, napanood ng family and friends ko, it’s something new for me because I always do antagonist roles, very serious characters, pero sa Take Me to Banaue nakita niyo yung puwede pala akong maging funny kahit papaano, and puwede ding malandi,” at muling tumawa si Thea na gumaganap bilang si Jinky sa movie.

 

Ang ‘Take Me To Banaue’ ay sinulat nina Jason Rogers at Danny Aguilar (na siya ring direktor ng pelikula) at line-produced naman ni Monch Bravante, mula sa Carpe Diem Pictures.

 

Bida rin sa pelikula sina Brandon Melo (bilang si Hank) at Maureen Wroblewitz (bilang si Grace) kasama sina MJ Lastimosa, Dylan Rogers at Boobay.

(ROMMEL L. GONZALES)