• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 12:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“People’s Day sa Barangay” caravan, inilunsad sa Valenzuela

UPANG gawing mas malapit at madaling maabot ng mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng City Hall, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ‘People’s Day sa Barangay’ caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th anniversary nito.

 

 

Itinatampok sa caravan ang ilang mga booth at help desk na nag-aalok ng mga libreng social service kabilang na ang legal na konsultasyon, wifi at pag-print, medical assistance payouts, burial assistance payouts, libreng konsultasyon sa mga opisyal ng City Hall, open forum, libreng tinapay at kape at isang help desk ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

 

 

Ayon kay Mayor WES Gatchalian, layunin nito na ipatupad ang “People’s Day sa Barangay” caravan sa lahat ng barangay sa lungsod upang isulong ang inclusivity at accessibility sa mga serbisyong panlipunan nito.

 

 

Ang inisyatiba na ito ay nakatuon sa pagtugon sa mga tanong, alalahanin, at kahilingan ng mga Valenzuelano mula sa bawat barangay at paghahatid ng agarang aksyon.

 

 

Magbibigay din ang programa ng pagkakataon na magbukas ng isang diyalogo sa pagitan ng komunidad.

 

 

Nakipag-ugnayan rin si Mayor WES, kasama si Punong Barangay ng Karuhatan na si Martell Soledad, at iba pang pinuno ng opisina sa mga opisyal ng homeowner’s association upang ayusin ang kanilang mga alalahanin.

 

 

Ang kaganapan ay nagsilbi sa 300 na mga dumalo kung saan 159 ang nakatanggap ng tulong medical, pito ang nakatanggap ng burial assistance, apat ang nakatanggap ng wheelchair habang at isa naman ang nakatanggap ng walker. (Richard Mesa)