Sec. Roque, naka-isolate sa bahay
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAPUBLIKO ni Presidential spokesperson Harry Roque na naka-isolate siya ngayon sa kanyang bahay.
Nilinaw ni Sec. Roque na nagpositibo kasi sa Covid- 19 ang kanyang security detail kaya’t kahit wala naman aniya siyang sintomas ay kailangan niyang sumunod sa protocol.
” Nagka-positive po ang aking security detail. Wala naman po akong sintomas but i’m following protocol po.
Sa ulat, ang paalala naman na nasa ganitong sitwasyon ay bantayan ang kalusugan mula sa unang araw na nakasalamuha ang nasabing tao na may sintomas hanggang sa 14 na araw matapos nito. Bantayan ang sarili mula sa mga sumusunod: lagnat, ubo, hirap sa paghinga, sore throat, sakit ng katawan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagtatae, atbp.
At kapag nagpakita naman ng isa o higit pa ng mga sintomas na ito ay sundan lamang ang prevention steps para sa mga nag-aalaga/may kasama sa bahay na posibleng mayroong 2019-nCoV ARD infection.
Agad din aniyang tawagan ang doktor at abisuhan muna ito ukol sa iyong kondisyon bago pa pumunta sa kanyang klinik o ospital.
Kung ang isang tao naman ay walang sintomas, hindi na kailangang mag-alala. (Daris Jose)