• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City

HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak.

 

Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).

 

Si CabSec Nograles ay isa sa mga naitalaga bilang big brother para tumulong sa Quezon City sa kanilang coronavirus response, ay nagdonate matapos ang kanyang ika-44 na kaarawan noong September 3.

 

BukodĀ  dito, nanguna rin ito sa fund-raising drive online para sa mga health frontliners na naka-assign sa naturang dalawang government hospitals.

 

Napag-alaman na batay sa 33-level pay scale ng mga government workers, ang mga Cabinet members o department secretaries ay tumatanggap ng P262,965 na basic pay sa ilalim ng salary grade 31, pero dahil sa batas na nagtataas sa sahod ng mga opisyal ng gobyerno sa apat na mga tranches simula 2020 hanggang 2023, ang mga nasa ilalim ng salary grade 31 ay inaasahang makakakuha ng kanilang higher wage na P301,095 ngayong taon. (Daris Jose)