• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ETRAVEL REGISTRATION, LIBRE

BINIGYAN diin ni Bureau of immigration Commissioner (BI)  Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro  ng eTravel ay libre at binabalaan nito ang publiko laban sa mga scammers.

 

 

“The eTravel registration process is absolutely free of charge.  We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon kay Tansingco.

 

 

Binalaan ni Tansingco ang publiko na mag-ingat sa mga mapanlokong mga websites na nanghihingi ng online payment  at maaaring i-report ito sa cybercrime investigation o sa coordinating center (CICC) via  sa kanilang website na https://cicc.gov.ph/report/.

 

 

Nag-isyu ng warning ang BI Chief kasunod ng mga ulat sa mga pasahero sa airport na nagsasabing nakarehistro na sila sa e Travel  at nakapagbayad na.

 

 

Tinatayang umabot sa P3,000 hanggang P5,000 ang sinisingil ng mga scammers  kung iko-convert ito na kadalasan ay tsina-charge ng US dollars.

 

 

Sa ulat ng mga opisyal ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maraming pasahero ang na nabibigla na sinasabihan na kinakailangan nilang magparehistro sa eTravel  dahil ang digital QR code na kanilang ipinapakita ay hindi ma-access ng kanilang system.

 

 

It is only when they encounter our officers at the airport that these passengers would realize they have been duped by these fraudsters and scammers in the internet,” ani Tansingco. GENE ADSUARA