Istasyon ng EDSA busway sa SM North nagkaroon ng ground breaking
- Published on February 16, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng isang “state-of-the-art” na estasyon na tatawaging Edsa Busway sa SM North EDSA matapos ang ginawang seremonya para sa ground breaking ng nasabing proyekto.
Tinatayang matatapos ang Edsa busway sa darating na July 31, 2024 kung saan ito ay magkakaron ng concierge, ticketing booth, at turnstiles para sa automatic fare collection system.
Lalagyan rin ng ramps at elevators sa estasyon upang magamit ng mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens, mga pamilya na may kasamang mga bata, at mga buntis.
Ang mga pasahero at pedestrians ay magkakaroon ng isang convenient, ligtas, at komportable paglalakad sa EDSA patungo sa kabilang dako ng highway.
“The Edsa Busway Bridge and Concourse aims to provide safe, accessible, convenient and PWD-friendly walkways for commuters and pedestrians approaching the EDSA Busway stations and crossing EDSA from one side to another,” wika ng Department of Transportation (DOTr).
Kahit na kasama ang pasilidad para sa implementasyon ng automated fare collection system ay hindi pa rin ito magagamit dahil ito ay pag-aaralan pang mabuti.
Sa kabilang dako naman sa transportasyon, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng pansamantalang suspensyon ng operasyon ng Pasig River Ferry sa apat na istasyon.
Inihinto ang operasyon dahil sa panganib na maaaring mangyari dahil sa pagkakaroon ng “low water level” sa mga daungan. Ang mga sumusunod na istasyon ay pansamantalang wala munang operasyon: Lambingan, Sta. Ana, Maybunga, at PUP.
Habang ang ibang istasyon ay mayroon pa ring normal na operasyon ng Pasig River Ferry. LASACMAR