• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 12:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga gamot sa diabetes, cancer, TB at iba pa, tinanggalan ng VAT

NAGLABAS ng kautusan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa hindi pagsingil ng value-added tax (VAT) sa ilang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, sakit sa bato, sakit sa pag-iisip, at tuberculosis.

 

 

Sinabi ni BIR Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na naglabas ito ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 na nag-eexempt sa VAT ang 21 na gamot para sa iba’t ibang sakit.

 

 

Ang memorandum ay bunsod na rin sa liham na mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health (DOH) na nag-endorso ng update sa listahan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o Tax Reform para sa Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at RA 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).

 

 

Ayon pa kay Lumagui, ang pag-update ay sa listahan ng mga VAT-exempted medicines ay bahagi ng serbisyo para sa mga tax payers.

 

 

Paliwanag pa ng opisyal, ang naturang hakbang ay handog nila sa Bagong Pilipinas na may serbisyong mabilis at maaasahan.

 

Sa huli, sinabi pa ni Lumagui na itong 21 na gamot na tinanggalan ng VAT ay simula pa lamang ng mga serbisyong ibibigay ng BIR ngayong 2024. (PAUL JOHN REYES)