Ayaw i-reveal kung ano ang magiging partisipasyon: RURU, walang problema na kasama na si MIGUEL sa ‘Running Man Philippines 2’
- Published on January 30, 2024
- by @peoplesbalita
AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea.“Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya sa wedding anniversary party nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.
Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil ongoing ang ‘Black Rider’ (kung saan magkasama sina Ruru at Gladys) ay new cast member ng RMP si Miguel Tanfelix na dating ka-loveteam ni Bianca Umali na kasintahan ngayon ni Ruru.
At paglilinaw ni Ruru sa mga nag-isip na pinalitan siya ni Miguel sa RMP, “Parang ano po, additional.”
Wala namang problema na magkasama sa RMP sina Ruru at Miguel at hindi naman raw kailangan ipagpaalam kay Ruru na isasali si Miguel sa show.
“Wala. Wala na pong paalam. I don’t think kailangan pa po ng paalam.
“Kasi, I mean… ang tagal na panahon na, di ba? “Parang wala nang isyu,” pahayag ni ni Ruru.
Sa tanong naman kay Ruru kung ano si Bianca sa buhay niya…
“Si Bianca ang buhay ko” ang masayang bulalas ng aktor.
Si Bianca raw ang babaeng pakakasalan niya.
“Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip. “It’s my final answer!
“Always and forever, yun ang sagot ko.
“I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na.
“Hindi naman natin alam kung ano yung mga mangyayari sa future but pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw,” napaka-sweet na sinabi pa ni Ruru.
(ROMMEL L. GONZALES)