Uusok na talakan sa pulong ng POC
- Published on September 12, 2020
- by @peoplesbalita
TIYAK ang walang puknat na balitaktakan na naman para sa sa darating na halalan Nobyembre sa Philippine Olympic Committee (POC) sa executive board meeting ngayon Sabado, Setyembre 12 ng alas-10:00 nang umaga via Zoom.
May ilang beses nang walang nabuo matinong usapan para sa eleksiyon dahil sa pagtutol ng mayorya sa pinipilit ni POC president Abraham Tolentino na age limit para sa mga tatakbo sa posisyon sa nakatakdang termino para sa 2021-24.
Pero may dalawang mahalagang tatalakayin sa pulong ang mga ang opisyal na kabibilangan ng paglahok ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 2021 at 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam 2021.
Kasamang bumubuo sa POC board sina chairman Stephen Hontiveros, at members Jose Romasanta (first vice president), Antonio Tamayo Jr. (second vice president), Edwin Gastanes (secretary general), Julian Camacho (treasurer), Jonne Go (auditor), Victorico Vargas, Cynthia Carrion, Jesus Clint Aranas, Roberto Mananquil, Prospero Pichay Jr., Mikaela Maria Antonia Cojuangco-Jaworski, at Nikko Bryan Huelgas. (REC)