Pinost ang selfie after na mapanood sa musical play: LEA, isa sa iniidolo ng bida ng ‘Young Sheldon’ na si IAIN ARMITAGE
- Published on January 3, 2024
- by @peoplesbalita
BIG fan pala ng West End and Broadway star Lea Salonga ang bida ng US comedy series na ‘Young Sheldon’ na si Iain Armitage.
Pinost ni Iain sa social media ang selfie niya kasama si Lea at Bernadette Peters after niyang mapanood ang West End musical na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends’.
“Im so glad my 2023 included getting to see these two incredible women on stage – two of my very favorites and always have been!!! Thank you for an incredible evening!!!” caption pa ni Iain.
Malapit ng magtapos ang naturang musical na naging comeback ni Lea sa London’s West End after 27 years. Huli siyang nag-perform sa West End as Eponine sa ‘Les Miserables’.
***
BONGGA ang New Year ni Kuya Kim Atienza dahil sinalubong niya ito kasama ang kanyang pamilya sa Antartica.
Ilang weeks na kasing wala si Kuya Kim sa kanyang shows sa GMA na ‘Dapat Alam Mo’ at ‘TiktoClock’ dahil vacation time with family ang Pasko at Bagong Taon.
Sa Instagram ng TV host at Trivia King, makikitang sakay sila ng Nat Geo Explorer, na isang “ice breaker exploration ship” na magdadala sa mga pasahero sa “heart of Antarctica.”
Tradisyon na raw kasi ng Atienza family every year ang mag-travel sa iba’t ibang lugar sa mundo.
***
TULOY sa pagbibigay ng mga kakaiba at makabuluhang programa ang GMA Afternoon Prime ngayong 2024!
Ipalalabas this year ang kauna-unahang adaptation ng isang KDrama sa afternoon slot na pinamagatang “Shining Inheritance.” Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, at seasoned actress Ms. Coney Reyes.
Makikilala naman si Kapuso Little Princess Jo Berry bilang si “Lilet Matias: Attorney-at-Law.” Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng “Mommy Dearest,” “A Mother’s Tale,” at “A Family Like Us.”
Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na “Forever Young” at “For the Love of Kobe.”
Magsisimula naman ngayong January 8 sa GMA Afternoon Prime ang handog ng GMA Public Affairs na “Makiling” na pinangungunahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Abangan ang mas pinalakas na GMA Afternoon Prime ngayong bagong taon!
(RUEL J. MENDOZA)