Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media
- Published on December 23, 2023
- by @peoplesbalita
BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006.
Sa throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers.
Kasama kasi ang makeover sa challenges nila noon. Pero pakiramdam ni Kris ay pinag-eksperimentuhan ang buhok niya.
Hindi pa kasi uso ang social media 17 years ago kaya ngayon lang ulit napanood ni Kris ang video na iyon.
“Yung trauma ko dito. Chareeeet!” comment ni Kris na nanalo naman bilang Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero sa grand finals ng StarStruck 4.
Ngayon, isa ng mother si Kris sa first baby nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
***
BINITAWAN ng Marvel at Disney ang actor na si Jonathan Majors matapos na hatulan siya ng New York jury na guilty sa kasong pananakit sa kanyang dating nobya na si Grace Jabbari sa likod ng sasakyan.
Inalis na ang Emmy-nominated actor sa mga dapat na future projects nito sa Marvel Cinematic Universe kabilang ang Avengers: The Kang Dynasty. Huling napanood si Majors sa Ant-Man and The Wasp: Quantumania.
Ilalabas ang sentensiya kay Majors sa Feb. 6, 2024, at maaari siyang makulong ng hanggang isang taon.
(RUEL J. MENDOZA)