• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:32 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Good governance tinitiyak ng LGU ng Quezon City

TINIYAK ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang mga nasasakupan na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang Good Governance  na kasalukuyang tinatamasa ng lungsod Quezon.
Sa katatapos na State of the City Address, sinabi ng Alkalde na kung susumahin ang nagawa ng ating lokal na pamahalaan,  masasabing malayo na ang narating, ngunit malayo pa ang maaaring abutin. Dagdag pa ni Belmonte, hindi lang natatanaw ang magandang kinabukasan at ramdam na ramdam na ito ng ating mga mamamayan.
Matatandaan na bago maupo si Belmonte bilang local chief executive ng Quezon City, ay mayroon lamang 16 billion pesos na tax collection ang lungsod. At nang magsimula na syang manungkulan noong 2019 ay umabot ang tax collection ng LGU sa 19.3 billion pesos at mula noon ay naging consistent sa pagtaas at ngayong Oktubre ay nasa 20.3 billion pesos na ang nakokolekta ng City Treasurer’s Office at inaasahang aabot pa ito sa 21 Billion pesos sa pagtatapos ng taon.
Paliwanag pa ng Alkalde, 38% o aabot sa 13.4 billion pesos ang nagamit sa social services ng lungsod, 5 billion pesos sa edukasyon at 3.4 billion pesos naman sa infrastructure development.
Sa kabila ng malaking budget, tinitiyak ni Belmonte na ang lahat ng pera ay nagagamit nang tama at maayos at ang lahat ay well accounted for hanggang sa kahuli-hulihang sentimo. Patunay aniya diyan ang mga parangal na natatanggap ng lungsod mula sa Commission on Audit. (PAUL JOHN REYES)