• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bawas sa physical distancing sa mga PUV taliwas sa safety policies

IPINAHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang pagbabawas ng distansya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay taliwas sa mga umiiral na safety policies.

 

“Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts na ang social distancing, tamang pagsuot ng face mask at handwashing ay nakakatulong para maiwasan ang hawaan ng virus,” ani Tiangco.

 

“Ang mga tren, air-con na bus, eroplano at iba pang pampublikong transportasyon ay mga closed spaces. Sa mga espasyong tulad nito, mas mataas ang posibilidad ng hawaan”,  dagdag niya.

 

“Anim na buwan nating itinuturo sa ating mamamayan ang halaga ng pagdidistansya kahit sa bahay at lugar ng trabaho bakit natin hayaan na iwan nila ang safety measure sa pagsakay sa public transportation?” patuloy niya.

 

Naghayag din ng pagkabahala si Tiangco na ang pagre-relax sa physical distance requirement ay maaaring maglagay sa mga mamamayan sa panganib na mahawa ng sakit.

 

Kinatigan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Economic Development Cluster (EDC) at Department of Transportation (DOTr) para madagdagan ang mga sumasakay sa pamamagitan ng pagbabawas ng distansya sa mga mass transit.

 

Mula isang metro, ang itinakdang physical distance sa pagitan ng mga pasahero ay unti-unting babawasaan ng .3 meters matapos ang apat na lingo. (Richard Mesa)