PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng 55 heneral ng PNP
- Published on September 29, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang. Ito ang ikalawang batch ng mga nag -oath taking na heneral ng PNP dahil nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nitong zero tolerance ang gobyerno hindi lamang sa korapsyon kundi pati na sa human rights abuses.
Winika pa nito na sa ilalim ng Bagong Pilipinas ay hindi dapat na magkaroon ng puwang ang katiwalian at pang- aabuso sa kapangyarihan.
Inaasahan din aniya ng mga mamamayan sa mga bagong promoted generals ang highest standards sa kanilang hanay at makikita sa kanila ang “leadership by example.”
Samantala, siniguro rin ng Pangulo ang suporta nito para sa modernisasyon ng PNP. (Daris Jose)