• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gustong makatrabaho sina Marian at Maine: CARLA, inaming napatawad na si TOM at ‘di dahilan sa paglipat ng management

BINIGYAN ng isang bonggang pag-welcome at the same time, contract signing si Carla Abellana ng bago niyang management, ang All Access to Artists Ph o Triple A Management. 

 

 

 

Present sa naging pag-welcome at contract signing ni Carla ang mga bosses ng Triple A sa pangunguna ni Direk Mike Tuviera. Gayundin si Ms. Jacqui Cara at Jojo Oconer.  Nando’n din si Ms. Celeste Tuviera na unang nag-interview kay Carla.

 

 

 

May title si Carla na ‘The Goddess of Drama.’ At sabi naman ni Carla, ang GMA-7 rin daw ang nagbigay sa kanya ng monicker na ‘yon. 

 

 

 

“I believe, from GMA po ‘yan. Nagsimula po ‘yan sa Primetime Goddess. Hindi ko nga po alam, sabi ko nga po, saan ba galing ang Primetime Goddess na ‘yan. Pero, nagsimula po sa GMA po ‘yan at lagi na po name-mention sa GMA kapag meron pong teleserye.

 

 

 

“So, medyo tumatak po siya. Nag-iiba-iba from time-to-time. Naging Primetime Goddess, Drama Goddess. And I think, mas naging consistent pa ‘yung Goddess. Pwedeng pang-primetime or afternoon prime.”

 

 

 

At ngayong part na nga ng Triple A Management si Carla, isa raw sa gusto niyang ma-achieve, magkaroon pa ng chance na makasama ang iba pang mga artista na hindi pa niya nakakasama.  Gusto rin ni Carla na makasama sa proyekto o kahit sa mga social media collaboration sina Marian Rivera at Maine Mendoza na mga ‘kapatid’ niya ngayon sa Triple A.

 

 

 

Pinasubalian din ni Carla na dahil sa ex-husband na si Tom Rodriguez kung bakit siya lumipat ng Triple A from Luminary ni Popoy Caritativo. Maayos naman daw sila ni Popoy nag-usap at nagpapasalamat din siya sa pang-unawa nito.

 

 

 

As for Tom, napatawad na raw ito ni Carla.

 

 

 

At inamin ni Carla na expired na ang network contract niya sa GMA-7 noong May pa, pero nag-uusap na raw sila ngayon. Though, hindi nito itinanggi na kung sakali at may opportunity na makasama siya sa Batang Quiapo ni Coco Martin, open daw siya.

 

 

 

Though sey niya—mga chismis lang ito dahil wala naman daw offer.

 

 

 

Ang sigurado, may ‘Stolen Life’ pa na teleserye si Carla na dapat abangan sa kanya sa GMA-7.

 

 

 

***

 

 

 

AWARE na pala si Paul Salas sa revelation ni Andrea Brillantes na siya ang first crush noong 4 years old pa lang ito.  

 

 

 

Sabi ni Paul, nagkakasama naman daw sila dati ni Andrea sa mga raket at ang both na nanay nila ay okay rin at nagkaka-usap. Kaya alam daw niya ito, pero natatawa na lang si Paul dahil nga bigla itong pinag-uusapan ngayon.

 

 

 

Natawa na lang din si Paul dahil ang hirit ni Andrea, ngayon ay hindi na.

 

 

 

Sa isang banda, one week before ng cast reveal lang pala nalaman ni Paul na isa siya sa cast ng Pinoy adaptation ng GMA-7 sa hit Korean Drama na “Shining Inheritance” kunsaan, ang role niya ay super bait talaga na magkakagusto sa character ni Kate Valdez.

 

(ROSE GARCIA)