PSC Badjao Children’s Games sa Tawi-Tawi
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
MAY pagkakataong matuto at magsaya sa iba’t ibang tradisyonal na sports ang mga kabataan na kabilang sa Indigenous People partikular ang mga Badjao sa pagsasagawa sa sandaling ang coronavirus disease 2019 ng Philippine Sports Commission (PSC) Children’s Games.
Nagpasalamat na kaagad ang mga pinuno sa Mindanao State University-Tawi-Tawi sa nakatakdang plano sa proyektong kinilala ng UNICEF na modelong sportsfest para sa mga kabataan.
“Thank you for facilitating with PSC the request of MSU Tawi-Tawi for sports equipment and the staging of Badjao Children’s Games which will be held soon after the pandemic,”bulalas ni James Edward Lee ng MSU Tawi-Tawi kay dating PSC chief Aparicio Mequi na nagpaabot ng kahilingan sa Komisyon.
“Hope you and Sir Butch (PSC Chairman William Ramirez) can visit us here in Tawi-Tawi to witness the event. God Bless you,” hirit pa ni Lee.
Natengga lang ang lahat ng aktibidad at proyekto ng ahensiya ng gobyerno sa sports sa bansa sanhi ng COVID-19 sa mundo. (REC)