May bagong series sa YT channel: LIZA, on-hold pa ang Hollywood plans dahil sa strike
- Published on September 14, 2023
- by @peoplesbalita
MAY bagong serye na susubaybayan kay Liza Soberano. Hindi nga lang ito sa telebisyon mapapanood kung hindi sa kanyang YouTube channel.Ang series niya ay ‘Liza In Korea.’ It’s a 15-episode series na every Wednesday at 8 pm ang drop simula noong September 13.
Nagawa ni Liza na i-explore ang Korea. Proud siya na maipakita sa lahat, hindi lang sa mga Pinoy ang mga ‘hidden’ places o gems pa sa naturang bansa.
Sa ngayon daw, may strike ang mga actors sa Hollywood kaya on-hold pa ang mga plans niya with her Hollywood career. Pero, ito rin ang pagkakataon na magawa naman niya ang mga contents na gusto niyang magawa.
Partnership with Korean production, ang JJ Global Group in Korea. Hindi rin maikakaila na marami ng nabuong connection si Liza sa Korea mula sa production company, agents at may mga naging malapit na rin siyang K-pop idols.
Sa ngayon, nag-aaral daw si Liza ng salitang Hangul at open siya sa ideya na sana nga makagawa rin siya ng Korean drama o Korean film. May mga inquiry na rin daw sana, pero ang problema pa, hindi pa siya fluent sa kanilang lengguwahe.
***
TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa “Maging Sino Ka Man.”
Usap-usapan sa social media ang pilot episode ng serye noong September 11! Nag-trending sa Twitter ang mga hashtags na #MSKMWorldPremiere, #MagingSinoKaManGMA, #BarbieForteza, at #DavidLicauco.
Komento pa ng ilang netizens sa GMA Drama Facebook page, “Deserved! Congratulations! Sobrang ganda ng pagsisimula parang sine! Magaling ang buong cast especially BarDa.
“Unexpected ang acting ng action king na si David! Pang-Best Actress talaga si Barbie! Salamat sa pagpapasaya at pagpapakilig worldwide!”
Nagsisimula pa lang ang action adventures at romantic moments ng BarDa. Masusubaybayan ang special limited series na “Maging Sino Ka Man,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8 PM sa GMA Telebabad at 9:40 PM sa GTV.
(ROSE GARCIA)