MAKIKINABANG ANG MARAMI SA CANNABIS INDUSTRY
- Published on September 13, 2023
- by @peoplesbalita
MAKIKINABANG ang marami sa cannabis industry sakaling maaprubahan ang panukalang legalisasyon sa paggamit nito bilang gamot.
Ito ang pahayag ni Zara Uytingban Cruz, isang cannabis legalisasyon advocate sa isang forum sa Quezon City.
Ayon kay Cruz, isa sa unang makikinabang ay ang mga magsasaka o nagtatanim ng tobako sa Ilocos Region dahil ang lupang taniman ng tobako ay maaring magamit sa pagtatanim ng cannabis. Dagdag pa ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region o CAR na may maganda at angkop na lupa at klima para sa cannabis farming.
Paliwanag pa ni Cruz, marami pang ibang oportunidad ang maibibigay ng industriyang ito para sa mga nagtatrabaho sa larangan ng konstruksyon, logistics, at iba pa.
Sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa research and development hanggang sa manufacturing stage at distribution, tyak aniyang marami ang mabibigyan ng trabaho.
Sa huli, nagpaalala naman si Cruz na dapat ay maisabatas na ang legalisasyon ng paggamit ng medical cannabis para maisakatuparan ang lahat ng ito. (PAUL JOHN REYES)