Ravena, San-En taob uli
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Ito ang sinapit ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang mapulbos ng 32-puntos ng Akita Northern Happinets ang San-En NeoPoenix, 85-53, sa 5th Japan B. League 2020-21 elims nitong Linggo.
Bumida para sa Akita si Noboru Hasegawa na may 16 points mula sa pinamalas na 4-of-6 shooting buhat sa 3-point shot upang pabagsakin ng dalawang beses ang San-En NeoPhoenix sa three-game slide nito sa liga.
Karampot lang ang kontribusyon ng Pinoy cager na naglalarong Asian import sa tig-5 points at assists, at 3 rebounds lang. (REC)