Pagtatayo ng specialty centers sa regional hospitals sa buong bansa, aprubado na ni PBBM
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita

Ito’y matapos lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11959 o “Regional Specialty Centers Act.”
Layunin ito ng administrasyon para masiguro ang accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Bukod sa DOH hospitals, sakop rin ng batas ang GOCC specialty hospitals.
Target maserbisyuhan ng itatatag na specialty centers ang mga maysakit na cancer, sakit sa puso, baga, bato at iba pa. (Daris Jose)