• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipag-pray na ito ang start ng friendship nila: KC, ibang happiness ang naramdaman sa concert nina SHARON at GABBY

HINIHINTAY pa namin ang sagot ng Triple A Management sa lumabas na balitang aalis na si Carla Abellana sa dating management company nito at lilipat na sa kanila.

 

Pero ang sagot ng Triple A executive na si Ms. Jacqui Cara: “All Access to Artists and Carla Abellana po will make a statement on this matter very soon.” Balita rin kasing babalik na si Tom Rodriguez from the US sa management company nito.

 

May offer daw naman ang ABS CBN na project kay Carla na may ginagawa namang “Stolen Life” series sa GMA Network.

 

***I

 

IBA ang happiness na naramdaman ni KC Concepcion sa nalalapit na “Dear Heart” concert ng mga parents niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

 

Umaasa rin si KC na magiging part siya ng concert ng mga magulang this October 27. At mas matindi raw ang nararamdaman niya kumpara sa ibang pagsasama ng kanyang mga parents sa concert.

 

“Guys, alam ninyo ako lang kasi ang anak nila, so I don’t think nararamdaman ng iba yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions siya, at iba ‘yung happiness na nararamdaman ko,” pahayag ni KC sa isang interview.

 

“Dream ko rin kasing makita ang parents ko na masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, magkaibigan. Kaya hopefully, guys, ipag-pray nating lahat ito na talaga ang start talaga ng friendship nila.

 

“Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don’t get me wrong. Hindi na. Pero just… para happy, yung light lang na … ma-feel ko lang… kasi parents ko sila. I always say, para sa lahat, it’s a show, pero parang sa akin, totoong buhay ko ito.” Dagdag pa ni KC, “It’s a dream come true, not just for me but for the Sharon-Gabby fans who hope and dream, and enjoyed their love team, ako yun, kaya nga ako nandito.

 

“Kaya I have all of our supporters to thank for being with us sa aming journey, not just as a should have – been family, but as a blended family, or as individuals who learned to forgive each other and enjoy each other.”

(NORA V. CALDERON)