• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROGRAMA PARA SA EMPLOYMENT NG MGA PWDs, INILUNSAD NG QC

NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng programa na tatanggap sa mga persons with disability bilang mga empleyado o manggagawa at ang programang ito ay bahagi ng komitment ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang pantay na oportunidad sa mga most vulnerable sector ng pamayanan.

 

 

Sa ilalim ng “Kasama Ka sa Kyusi: Ang Taong May Kapansanan ay May Karapatan at Kakayahan”,  ang city government mismo ay maghahire ng may 300 PWDs na itatalaga sa iba’t ibang departamento.

 

 

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga may kapansanan lalo na sa paghahanap ng permanente at disenteng trabaho. Kaya sa pamamagitan ng programang ito, titiyakin na mas maraming magbubukas ng oportunidad para sa kanila na nakaayon din sa kanilang galing at talento.

 

 

Ayon sa datos ng QC Persons with Disability Affairs Office o QC PDAO nasa 14 na porsyento, o 7,620 mula sa 54,000 na rehistradong PWD na may edad na 18 hanggang 59 ang unemployed o walang  trabaho.

 

 

Itinatakda ng  Republic Act 10524 o maea kilala bilang Act Expanding the Positions Reserved for Persons with Disability, na dapat ay mayroong isang porsyento ng kabuuang workforce sa mga government agencies, offices o corporations ang nakalaan sa mga PWDs. Sa kasalukuyan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay may 253 na contractual, job order at permanent employees na katumbas ng 1.2.percent.

 

 

Ayon naman kay Deborah Dacanay, Officer in Charge ng QC PDAO, patuloy na bumubuo ng ibat-ibang programa ang pamahalaang lungsod, para masigurong walang maiiwan at kasama ang lahat sa pag-unlad. (PAUL JOHN REYES)