• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 PORSYENTONG DISKWENTO SA AMILYAR, IPATUTUPAD NG QUEZON CITY

IPATUTUPAD ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 20% updated discounts para sa nga magbabayad ng kanilang amilyar o Real Property Tax simula sa isang taon para sa mga magbabayad ng RPT ng buo bago o sa December 31.

 

 

Ito ay inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte matapos lagdaan ang Ordinance Number SP-3179, S-2023 na nag-aamyenda sa Section 12, Article 7 ng Quezon City Revenue Code.

 

 

Mayroon ding 10% discount para sa mga magbabayad ng kanilang amilyar para sa taong kasalukuyan sa darating na Marso 31, 2024.

 

 

Ayon kay Belmonte, kailangang makakolekta ng buwis upang mapagsilbihan pa ang mga mamamayan ng lungsod na nagbabayad ng kanilang buwis sa tamang oras. Inihayag din ng alkalde na ang Quezon City ang may pinakamababang RPT sa buong kamaynilaan.

 

 

Tiniyak din ni Belmonte na ang buwis ng mamamayan ay napupunta sa tama at ito ay napatunayan na ng tatlong magkakasunod-sunod na unqualified opinion na iginawad ng Commission on Audit. Ang nasabing award ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng COA sa mga government agencies, kabilang ang mga local government units.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, hindi dapat mag-alala ang mga mamamayan patungkol sa kanilang ibinabayad na buwis dahil ito ay gagamitin sa pagpapatatag pa ng serbisyo publiko, pagtatayo ng mga imprastruktura at pagpapatupad ng mga proyekto.

 

 

Inihayag din ng mayora na maaring magbayad sa 16 na City Treasurer’s Satellite Offices na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar sa buong lungsod. (PAUL JOHN REYES)