• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan

MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon.

 

 

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas na kasi sa 101 meters na spilling level sa Ipo Dam na nakapagtala ng 101.09 meters dahilan kung bakit nagbukas ito ngayon ng .15 meters na gate opening nito.

 

 

Tig-isang gate rin na mayroong 0.5meters ang binuksan sa Ambuklao at Binga dam.

 

 

Sa kabila nito ay nakapagtala rin ang mga eksperto ng patuloy na pagtaas sa antas ng tubig sa Angat dam matapos itong madagdagan ng 0.75 meters na nagdala naman sa kabuuang water elevation sa nasabing dam. (Daris Jose)