• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INDIAN CREW MEMBER, TINULUNGAN NG PCG

KINAKAILANGAN na idi-embark at tulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian crew member ng bulk carrier mula sa isang international vessel matapos maaksidente habang naglalayag sa katubigan ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa PCG, nagsagawa ang coast guard ng medical evaluation sa  MV Formento Two sa may 8.3 nautical miles southeast ng Virac ,Catanduanes kahapon dahil sa tinamong severe injury at labis na pagdurugo ng daliri ng isang bosun crew.

 

 

Ang nasabing barko ay isang Singaporean-registered bulk carrier, na umalis sa  Baoshan Port sa China, patungong Port Hedland sa Australia, nang mangyari ang insidente.

 

 

Agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa kapitan ng barko at local agent upang magsagawa ng medical evacuation sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

 

 

Inabisuhan din ng local agent ang  Bureau of Immigration (BOI) at Bureau of Customs (BOC) tungkol sa medical evacuation.

 

 

Pagdating sa Virac Port, dinala ang sugatan Indian crew sa Catanduanes Doctors Hospital kung saan ito sumailalim sa operasyon. GENE ADSUARA