• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

June 28, idineklara ng Malakanyang bilang national holiday

INANUNSYO ng Malakanyang na national holiday ang Hunyo 28, 2023 sa buong bansa  bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o  Feast of Sacrifice.

 

 

Ang Proclamation No. 258,  may petsang Hunyo 13, 2023 at nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, ay nagsasaad na “ang Eid’l Adha  ay isa sa “greatest feasts” ng Islam na ipinagdiriwang ng buong mundo.

 

 

“Following the 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar, the National Commission on Muslim Filipinos has recommended that 28 June 2023, Wednesday, be declared a national holiday, in observance of Eid’l Adha,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 9849  na  “Tenth day of Zhul Hijja, the Twelfth month of the Islamic Calendar, a national holiday for the observance of Eidul Adha (Eid’l Adha), with a movable date.”

 

 

Ang Eid’l Adha  ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa. (Daris Jose)