• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gibo Teodoro at Dr. Ted Herbosa, nanumpa kay PBBM bilang mga bagong miyembro ng gabinete

NANUMPA na sa kani- kanilang tungkulin sa harap ni Pangulong  Ferdinand R Marcos Jr ngayong umaga sina Gilbert ” Gibo ” Teodoro at Dr Ted Herbosa.

 

 

Si Teodoro ay manunungkulan bilang Defense Secretary habang si Herbosa ay magsisilbing Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.

 

 

Kasamang nanumpa ni Teodoro Ang kanyang kabiyak na si Monica Prieto – Teodoro habang sinamahan din ng kanyang asawa at anak ang bagong Health Secretary na si Dr Ted Herbosa sa kanyang ginawang panunumpa.

 

 

Si Teodoro ay naging kinatawan sa loob ng tatlong termino  sa First District ng Tarlac at dati na ring naging Secretary of Defense sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong siya’y 43 taong gulang pa lamang.

 

 

Habang si Herbosa naman ay naging Undersecretary na rin ng DOH mula 2010 hanggang 2015 at nagsilbi bilang Special Adviser ng National Task Force Against Covid-19 o IATF. (Daris Jose)