• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rank 9th top most wanted person, timbog sa Caloocan

NABITAG ng pulisya ang isang mekaniko na listed bilang 9th top most wanted sa kasong panggagahasa sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Alfonso Ruiz Jr, 55, mekaniko ng 499 Tullahan Road, Sepa St., Barangay 162, Sta. Quiteria.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio PeƱones Jr, nagsagawa ang pinagsanib na mga operatiba ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Jeraldson Rivera at Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni P/Cpt Marlon Landong ng manhunt operation kontra wanted persons.

 

 

Natimbog ng mga operatiba ng WSS sa nasabing police operation ang akusado dakong alas-3:50 ng hapon sa kahabaan ng Libis Baesa, Sta. Quiteria, Brgy. 160.

 

 

Ani Major Rivera, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng FC Branch 1, ng Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang operating team sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted person na pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)