• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si  Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang  administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

 

 

Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.

 

 

Si Katrina  ay pangulo at  CEO ng JAKA Investments Corporation, at nasa likod ng corned beef brand na  Delimondo.

 

 

Sa social media post, pinasalamatan naman ni Katrina si Pangulong Marcos sa tiwala nito sa kanya sabay sabing siya ay “beyond grateful” sa pagkakatalaga sa kanya.

 

 

Ang  CEZA  ay nilikha sa bisa ng  Cagayan Special Economic Zone Act of 1995, na awtorisado ng matandang Enrile,  noong siya ay senador pa lamang.

 

 

Tungkulin ng  government corporation na i-manage at pangasiwaan ang  progreso ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport. (Daris Jose)