• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:02 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MVP hinirang na Sports Tourism Personality of the Year

Dahil sa kanyang mahalagang kontribusyon sa larangan ng isports ay kinilala si businessman/sports patron Manuel V. Pangilinan o mas kilala sa tawag na “MVP” bilang Sports Tourism Personality of the Year sa 4th Philippine Sports Tourism Awards na ginanap kamakailan sa Clark Freeport.

 

Bilang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay tinatag ni Pangilinan ang MVP Sports Foundation na tumutulong sa paghubog ng mga world-class athletes.

 

Pinuri ni Pangilinan ang misyon ng Philippine Sports Tourism Awards para patuloy na maitaas ang sports bilang isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng turismo sa bansa.

 

“The unquantifiable be­nefits alone make strong case for investing in sports. But today, we are recogni­zing a more direct and tangible benefit — how sports could encourage tourism, and how it might even­tually serve as a catalyst for economies, both local and national,” ani Pangilinan sa kanyang acceptance speech.

 

“This award is not a culmination of the work we’ve rendered, but a mandate to push the envelope. Sports remains a high-potential investment for our country, and I consider it an honor to be able to continue suppor­ting its development. We can improve our sporting landscape for the benefit of our athletes and, ultimately, for that of the greater Philippine nation,” dagdag nito.

 

Sa pamumuno ni Pa­ngilinan ay malaki ang naitulong ng PLDT at Smart bilang mga official telecom partners sa nakaraang 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

 

Bagama’t ilang sports activities lamang ang nai­sagawa ngayong taon dahil sa pandemya na nakaapekto sa sports tourism ay marami nang nakatakdang international sporting events sa bansa sa mga susunod na taon.

 

Isa rito ay ang FIBA World Cup sa 2023 na ipinursige ni Pangilinan na mapamahalaan ng bansa kasama ang Japan at Indonesia bilang mga co-hosts.