Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo
- Published on May 1, 2023
- by @peoplesbalita
DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa Pasay City, araw ng Linggo. Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, ang lahat ay benepisaryo ng iba’t ibang assistance packages ng Department of Labor and Employment (DOLE) .
Ang bawat isa sa mga ito ay binigyan ng symbolic key ng socialized house and lot packages ng Punong Ehekutibo.
Ang limang nanalo ng house and lot packages ay kasama sa 20,165 qualified beneficiaries ng iba’t ibang assistance packages ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kalakhang Maynila na nagkakahalaga ng P162.23 milyong piso.
Alinsunod sa Labor Day celebration, ang DOLE ang siyang kasalukuyang nangunguna sa “distribution of wages” at nag-award ng livelihood projects” sa 229,823 qualified beneficiaries sa buong bansa na nagkakahalaga ng P1.29 bilyong piso.
Ang Labor assistance programs ay kinabibilangan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers Program (TUPAD), DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), Government Internship Program (GIP), at Special Program for Employment Students (SPES). (Daris Jose)