Panukalang divorce law umani ng iba’t ibang opinyon mula sa publiko
- Published on April 28, 2023
- by @peoplesbalita

Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce law.
Ayon pa kay Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na umalis sa relasyong hindi na maganda para sa kanilang kalusugan mapa mental o physical health.
Ngunit ayon sa ating mga nakapanayam, hindi umano sila pabor sa panukalang batas na ito dahil tayo ay nasa Pilipinas.
Sinabi pa ni Girlie Gonzales na kawawa umano ang mga anak na maghihirap kung sakali mang maghihiwalay ang mag asawa.
Pareho naman ang naging stand ni Dong Luz, aniya hindi siya pabor sa panukalang divorce dahil ang nakasanayan raw ng mga Pinoy ay buo ang pamilya, iba naman raw tayo sa ibang mga lahi.