• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, nag-alok ng emergency loan sa lima pang lugar na apektado ng Mindoro oil spill

MAAARI ng mag-avail  ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakatira sa lima pang lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

 

 

Ang mga  lugar ay ang Calapan City at mga munisipalidad ng Baco, San Teodoro, Soccoro, at Victoria.

 

 

Sinabi ng GSIS  na naglaan ito ng  ₱193.92 milyong piso sa  emergency loan para sa 7,700 active members at old-age at disability pensioners.

 

 

Ang mga aplikante ay maaaring magpalista hanggang Mayo 17 na may kaparehong requirements at kondisyon katulad ng nagdaang  anunsyo ng GSIS.

 

 

Noong Marso  8,  naglaan ang GSIS ng ₱315 milyong piso para sa  emergency loan para sa mahigit na  11,000 active members at  1,900 pensioners na apektado ng  oil spill sa Mindoro. (Daris Jose)