Puntirya ni VP Sara: 100% ng mga kabataang Pinoy, nag-aaral
- Published on April 26, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang at local government units (LGUs) na tiyakin na 100% ng mga kabataang filipino ay nag-aaral.
“Dapat po meron tayong target na paniguraduhin na 100% sa ating mga kabataan ay nag-aaral,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa pagdiriwang ng 23rd Pagbana-ag Festival at 64th Hinoba-an Anniversary sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Sinabi ni Duterte na mahalaga para sa mga kabataan na magabayan sa tamang landas at huwag hayaan ang mga ito na maligaw ng landas tungo sa ilegal na droga at marahas na ekstremismo.
Ibinahagi rin ni Duterte ang DepEd’s PagbaBAGo campaign, pino-promote ang edukasyon bilang paraan para tuldukan ang kahirapan.
Ang programa ay unang ipinatupad sa Davao City noong Alkalde pa lamang si Duterte.
“Dala namin sa PagbaBAGo campaign ang importance ng responsible parenthood o pagpaplano ng pamilya dahil karamihan sa mga naghihirap na pamilya maraming anak dahil wala silang access sa kaalaman sa tamang pagpaplano ng pamilya,” ani Duterte. (Daris Jose)