GSIS, mamumuhunan ng $300 milyong dolyar para sa global infrastructure projects
- Published on April 22, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ng Presidential Communications Office na nakatakdang mag-invest ang Government Service Insurance System o GSIS ng 3 daang milyong dolyar para sa proyektong imprastraktura partikular na may kinalaman sa transport, energy at digitalization.
Kasunod na rin ito ng tinintahang kasunduan sa pagitan nina GSIS President, General Manager at Acting Board Chairman Wick Veloso at James Amine ng Global Infrastructure Partners Emerging Markets Fund.
Ang hakbang na partnership ay naglalayong maikalat ang assets at makakuha ng mataas na returns para na rin sa kapakinabangan ng may mahigit sa 2 milyong miyembro at pensioners ng ahensiya.
Sa ulat, ang New York based Global Infrastructure Partners ang nagungunang independent infrastructure fund manager na may 87 billion dollar asset at namumuhunan sa power and utilities, natural resources infrastructure, air transport infrastructure, seaports, freight railroad, water distribution and treatment at waste management.
Kilala ang naturang firm sa pakikipag-partner sa public sector at stakeholders na konektado sa pagpapaunlad ng imprastraktura. (Daris Jose)