Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16.
Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms. Irene Villamor.
Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement na may gagawing movie si Alden, pagkatapos ng drama series nila ni Bea Alonzo, sa GMA Network na “Start-Up PH.”
Basta naging busy lamang si Alden sa pagsu-shoot ng mga TV commercials at iba pang bagong endorsements, plus ilang travel abroad before the Holy Week at sa Japan siya nagpalipas ng Holy Week.
Magkakaroon daw ng formal announcement ang pagti-team-up nina Alden at Julia, at doon siguro malalaman kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast ng movie, although, nakasama na raw sa first shooting day si Jackielou Blanco.
Balita ring may shoot ng ilang scenes ng movie abroad.
***
NA-SHOCK si Karen Davila nang ma-interview niya si Pambansang Ginoo, David Licauco, para sa kanyang vlog, na isa sa napag-usapan nila ay ang sleep disorder ng Kapuso actor na sleep apnea.
Ayon kay David, kailangan niyang kamutin ang braso niya para lamang siya magising, kaya nagkasugat-sugat na raw ang mga ito. Naikuwento rin ni David na 2011 pa nagsimula ang sleep apnea niya, nang nasa Taiwan daw siya, na naglaro sila ng basketball doon, ay natamaan ang nose niya ng bola ng basketball at simula noon ay nakaranas na siya na para siyang binabangungot, na nakaka-experience siya ng 30 seconds na hindi humihinga, four times in an hour.
Naipa-check-up lamang niya ang nararamdaman niya in 2021, pero walang pagbabago sa kanyang nararamdaman. Kaya sabi ni Karen, huwag daw pabayaan ni Daivd ang sarili niya.
Kailangan daw niyang maoperahan sa nose and throat, sa ngayon daw at struggle sa kanya ang paggising sa umaga. May mga times daw naman na maayos ang gising niya.
Medyo raw nakakatulong sa kanya iyong marami siyang pinagkakaabalahan, kung hindi sa taping ay sa kanyang mga restaurant, I ang “Kuya Korea” kung saan madalas siya pinupuntahan ng mga fans.
Meanwhile, congratulations kina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, David Licauco at Dennis Trillo ng “Maria Clara at Ibarra” na ngayon ay napapanood na ang Kapuso historical fantasy portal sa Netflix Philippines, dahil simula nang ipalabas ito last April 14, ay lagng nasa number 1 ito sa Top 10 TV shows sa live streaming.
***
GINANAP ang bachelorette party ni Maja Salvador, para sa nalalapit niyang wedding kay Rambo Nunez, na bigay sa kanya ng mga friends niyang sina Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Kakai Bautista, Pooh, Thou Reyes, Maine Mendoza at marami pang iba.
Masaya ang party until nag-speech si Maja, na medyo may takot daw siya sa bagong buhay na papasukin niya: “new chapter sa buhay ko ito, I’m scared, nakakatakot dahil wala nang director na magka-cut. Ito na ang totoo kong buhay.”
Sa July, 2023 ang sinasabing date ng wedding nina Maja at Rambo.
(NORA V. CALDERON)