• September 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ni-launch na ang swimwear line: JULIA, perfect model at suportado ni GERALD

NI-LAUNCH na ni Julia Barretto ang sariling swimwear line na The Juju Club.

 

Perfect timing daw ang paglabas sa publiko ng kanyang sariling swimwear brand dahil summer na at maraming nasa beach ngayon.

 

Sino pa nga ba ang perfect model ng kanyang swimwear kundi siya mismo. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang ilang photos na suot niya ay white two-piece bikini na bagay sa kanyang sexy na katawan.

 

Sa isang bikini photo niya, nag-comment ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ng ilang fire emojis.

 

Caption naman ni Julia: “Thank you for your mad support, I sleep with so much gratitude in my heart. I am at a loss for words. I am so overwhelmed, and all in the most positive way. Thank you. This is a dream come true.”

 

Ang maganda sa swimwear line ni Julia ay merong style for every woman’s body. Hindi lang daw para sa may supermodel na katawan kundi para rin sa mga plus-size girls.

 

Mabibili ang swimwear brand ni Julia in neutral colors (black, white, brown) kaya hindi raw intimidating ang style sa mga gustong suotin ito sa beach.

 

(RUEL J. MENDOZA)