• September 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seryoso ang lahat at walang nagba-buckle sa dialogue: DINA, nag-enjoy sa masayang kulitan ng cast dahil nakawawala ng tension

INAABANGAN Mondays to Saturdays ang top-rating GMA Afternoon Prime series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na tampok sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

 

 

Interesting na iba’t ibang guest artists ang pumapasok  sa mga eksena, kaya nang mawala muna sa eksena si Richard Yap as Dr. RJ Tanyag, nang mag-taping siya ng “Unbreak My Heart” abroad (na kung saan nilabas na ang trailer), ilan sa mga nag-guests sina Gabby Eigenmann, Archie Alemania at si Ms. Dina Bonnevie, who plays the sister of Dr. RJ at siyang naging CEO ng kanilang hospital.

 

 

“Nag-enjoy kasi ako sa masayang kulitan ng cast, nakawawala ng tension,” kuwento ni Dina.

 

 

“Pero kapag take na, walang nagba-buckle sa dialogue at take one ang eksena.”

 

 

Inaabangan ng mga viewers ngayon kung magiging kakampi ba ni Annalyn (Jillian) si Giselle, knowing na galit siya sa mga anak sa labas, tulad ni Annalyn?

 

 

Napapanood ang serye after “Eat Bulaga” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMING bumati kay Kapuso actress Yasmien Kurdi, nang in one night she was honored by two different award-giving bodies.

 

 

Ikinagulat ni Yasmien nang bigyan siya ng awards as Outstanding Woman of Inspiration with Significant Achievement in Philippine TV and Film, at Most Outstanding Female Celebrity and Performing Artist.

 

 

Sa ngayon ay busy si Yasmien sa lock-in taping ng bago niyang GMA series, ang “The Missing Husband” with Rocco Nacino and the cast, sa Pico de Loro Beach Resort in Batangas.

 

 

(NORA V. CALDERON)