• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kaso ng manggagawa, mahihirap tututukan

PRIORITY daw ngayon ng ACT-CIS Party-list ang pagtutok sa mga kaso ng mga mahihirap at manggagawa sa bansa.

 

 

Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “dumarami ang mga lumalapit sa opisina namin na may mga suliranin sa trabaho at sa kanilang komunidad o barangay.”

 

 

Aniya, “ang problema hindi nila alam saan lalapit dahil wala silang pera para magkonsulta sa abogado.”

 

 

“We encourage doon sa mga salat sa buhay pero may mga kaso o walang malapitan dahil ang kalaban nila ay malaking tao o malakas, then punta sila sa ACT-CIS,” ayon kay Cong. Yap.

 

 

Para naman kay 2nd nominee ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, may mga staff sila na pwedeng lapitan o makausap sa telepono o cellphone.

 

 

“Bukas po ang opis namin at kahit sino pwedeng lumapit lalo na yung mga mahihirap na can not afford ng mga abogado,” ani Cong. Tulfo.