• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-kiĀ­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.

 

 

Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.

 

 

Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Caloocan, sa halip na 30 minuto.

 

 

Malaking kaginhawaan umano ito at magiging alternatibong ruta para sa mga trackers na umiiwas sa masisikip na main road sa loob ng metropolis.

 

 

Nabatid na malaking tulong dinĀ  ang pagbubukas nito ngayong linggo para sa inaasahang dami ng bibiyahe sa papalapit na Semana Santa.

 

 

Iaanunsyo pa ng NLEX kung kailan magsisimulang sumingil ng toll fee sa bagong bukas na daan. (Daris Jose)