• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaugnay ng Semana Santa… Mahigit 2,000 personnel, idedeploy ng MMDA sa major roads ng MM

MAHIGIT 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa.

 

 

Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila.

 

 

Partikular na sa mga lugar na malapit sa mga bus terminals, airports at seaports.

 

 

Sinabi ni Carunungan na ipinag-utos ni MMDA acting chairperson Romando Artes na hindi papayagang mag-day off o lumiban ang kanilang mga tauhan sa darating na April 5, 6, 7, at 10. (Daris Jose)