• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ika-11 Programang Pangkalusugan ng Manilenyo ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Maraming Nakinabang at Natulungan

TULAD ng mga nakaraang medical mission ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Ang libreng pagamutan ng Bise Alkalde ng Maynila noong Pebrero 25, 2023 sa Sona 2 at 25, Distrito 1 at 3 sa may Recto Avenue sa Maynila ay dinaluhan ng libu-libong Manileño para masuri ng libre ang kanilang mga kalusugan.

 

 

Ang kaganapang pangkalusugan na pinamumunuan ng Bise Alkalde ay pang labing-isa na niya, makaraan ng walong buwang panunungkulan para sa unang termino niya bilang Bise Alkalde ng Maynila. Naging kaagapay ni Nieto sa programang ito ang ilang mga tanggapan sa Manila City Hall, Philippine Coast Guard at, mga pribadong grupo ng propesyonal at negosyante. Sinamahan si Nieto sa programang ito na tinawag na “Araw Niyo Serbisyo Ko”, ng mga kinatawan at konsehal ng 1st at 3rd Distrito ng Maynila.

 

 

“Kapag tayo ay malusog, marami po tayong nagagawang kabutihan para sa ating sarili at pamilya. Kaya patuloy po nating gagawin ang mga medical mission, dahil malaki ang naitutulong nito sa ating kalusugan”, sabi ni Nieto.

 

 

Ang mga nag nagboluntaryong doktor ay nagbigay ng libreng pangkalahatang pagsusuri sa kalusugan, kabilang na rito ang mga ginawang hindi maselan na operasyon. Habang ang mga serbisyo sa pangangalaga ng ngipin ay ibinigay ng mga boluntaryong dentista. Ang mga pasyente na may mga problema sa mata ay sinuri din at binigyan ng libreng salamin ang mga may kailangan na nito. Nakinabang din ang mga dumalong Manilenyo sa libreng panggagamot na programa ni Bise Alkalde Nieto sa mga libreng laboratory tests tulad ng urinalysis at iba pa. Kaugnay nito, marami din ang nakinabang sa libreng gupit, masahe at facilal na kasama sa programang ito ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto. Maging sa libreng pagkain, pinaghandaan din ito para hindi makaranas ng gutom ang mga dumalo sa libreng pagamutan ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto.

 

 

Bahagi ng komprehensibong programang pangkalusugan ng mga Manilenyo ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, nais niyang mas maraming barangay sa Maynila ang makinabang sa programa niyang ito. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)