• April 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM

SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni  Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo

 

 

“Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling ‘yung threat?” ayon kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview.

 

 

Tiniyak ng Chief Executive ang kaligtasan ng mambabatas sakali’t magdesisyon na siyang magbalik ng Pilipinas.

 

 

“Mayaman ka naman, may private jet ka naman eh, maglanding ka kung saan mo gusto. Sa Air Force base, maglanding ka sa Basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makalapit ng isang kilometro,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Itinanggi rin ni Pangulong Marcos ang sinabi ni Teves na isinangkot siya sa pagpatay kay Degamo dahil sa  e-sabong.

 

 

“Ang puno’t dulo nito ay e-sabong? Hindi ang puno’t dulo nito ay pagkapaslang kay Governor Degamo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)