• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 malaking karera kakaripas ngayon

MAY dalawang malaking karera ang itatakbo ngayong Linggo, Disyembre 13 sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

 

Ang mga ito ay 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Lakambini Stakes Race at 2020 Juvenile Championship.

 

Pero dahil galit ang bayang karerista sa operasyon ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa mga patayaan nitong Mobile Off-Track Betting (MOTB)  mabailis lang sa tayaan pero mahirap sa kubrahan ng mga patama.

 

“Marami ang hindi nakakasunod at asar na sa PRCI,” saad ni Ronaldo Cruz, isang kareristang residente ng nabanggit na lalwigan. “Mabilis kumain ng pera, mahirap magluwa.”

 

Kaya malamang na muling langawin ang dalawang arangkadahan dahil ayon sa mga mananaya mas masaya silang sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at sa Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.(REC)