‘Political terrorism’ ang pagpatay kay Governor Degamo – senador
- Published on March 14, 2023
- by @peoplesbalita
INILARAWAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law.
Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot.
Isa lang aniya ang mensahe ng nasa likod ng krimen: na mayrong naghahari sa Negros Oriental.
Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na malinaw rin aniyang terorismo ang nangyari dahil puro high-powered firearms ang ginamit.
Dagdag ng senador, planodo raw ang pagpatay, pinondohan at gumamit pa ng rocket-propelled grenade. (Daris Jose)