Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate
- Published on March 3, 2023
- by @peoplesbalita
PAREHONG excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice.At bilang malapit kay Isko, tinanong namin si Yul Servo, na Bise-alkalde na ngayon ng Maynila, tungkol sa sinapit ng kanyang dating Alkalde.
“Siyempre malungkot, malungkot na hindi pinalad, pero siyempre may dahilan yan kung bakit, ‘di ba?
“Siguro hindi pa yun para sa kanya.
“Pero naniniwala ako sa kakayahan ni Yorme, na kaya din niyang maging magaling na lingkod-bayan sa buong Pilipinas, hindi lang siguro pa panahon, hindi pa para sa kanya.
“Pero nandiyan naman siya, hindi naman siya tumitigil sa pagtulong, pagbibigay ng advice, so sa lahat ng aspeto ng paglilingkod nandiyan pa rin naman siya, nakagabay sa aming Asenso Manilenyo e,” sinabi sa amin ni Yul na nakausap namin sa relaunch ng The Manila Film Festival na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.
Sa pagbabalik ng The Manila Film Festival ay katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions at Edith Fider.
Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least three hundred thousand pesos) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.
Ang TMFF ay bukas qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.
Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10 sa ganap na 11PM at ipadala sa themanilafilmfesival@gmail.com
Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.
Ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos ay ilan sa magsisilbi bilang mga mentor ng mga mapipiling kalahok.
(ROMMEL L. GONZALES)