Wish na someday maging okay sila as friends: Direk DARRYL, ‘bayani’ ang turing kay Direk JOEL kaya ‘di kayang laitin
- Published on February 21, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL silang dalawa ang pinaka-kontrobersiyal na direktor sa ngayon dahil sa magkasalungat na political opinions at tema ng pelikula, minabuti naming hingan ng mensahe si Darryl Yap na direktor ng ‘Martyr Or Murderer’ para kay direk Joel Lamangan ng ‘Oras De Peligro’.
“Sa tingin ko I don’t wanna give a message, just, you know, a comment about it,” panimula ni Darryl.
“When I was still in college I enrolled with Joel Lamangan workshops, it’s in Facebook, I enrolled and I have high respect for the person.
“If people ask me, ‘Can you be friends with direk Joel?’, I cannot be friends with direk Joel because I’ll always be a fan!
“I cannot befriend God! That’s how I see him, you know, I don’t want to put him down and say na, ‘I can be friends with you’, because being friends with me is like my co-equal or ka-level, he cannot be like that, I cannot joke to him, I cannot…you know, he’s a…”
Para kay Darryl, isang “bayani” si direk Joel.
“He’s hero for me, you know. All of his films, like especially ‘Bulaklak ng Maynila’, really did hit me you know, he’s really a hero for me.
“I cannot say something that’s ill to him, maybe because of the comment na my films are trash, you know, maybe it hurt me, but not to a point na I’ll stop making films, I’ll stop loving his work, I’ve loved his work for a very long time and the comment from him only confirms that I exist and for that I’m very thankful, for that.
“I cannot, you know, say bad things about him, because he’s really ano, he’s really something else for me, so I wish someday we’ll be okay, we were friends in Facebook for a time.”
In-unfriend raw siya ni direl Joel sa Facebook.
“Yeah, but you know, he confirmed Nanay Oro again e, so maybe tonight I’m gonna send a request again, I don’t know.”
Si Oro ay si Elizabeth Oropesa na kasama sa pelikula ni Darryl; tulad nina Darryl at Joel ay magkaiba rin ng political beliefs sina Oro at Joel.
“I just want to clear it up na I have no personal ill feelings for the great Joel Lamangan, I can’t be hating him e, I don’t know, I just can’t hate him.
“Sino naman ako… parang ganun ako e, parang pag nakita ko yung headline na galit ako sa kanya, kahit sarili ko sasabihan ko ng, ‘Ang kapal naman ng mukha nito, sino ‘to?’, parang ganun, so I can’t, I just can’t.”
Ipapalabas sa mga sinehan sa March 1, tampok sa Martyr Or Murderer na tungkol sa ilang bahagi ng buhay ng mga Marcoses, sina Cesar Montano bilang Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos, Cristine Reyes bilang Imee Marcos, Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, at sina Kyle Velino, Cindy Miranda, Beverly Salviejo Franki Russell, Billy Jake Cortezat marami pang iba.
Magsasalpukan sa takilya ang ‘Martyr Or Murderer’ at ang ‘Oras De Peligro’.
***
SPEAKING of Cesar Montano, napakaganda ng sinabi niya tungkol sa yumaong Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos, Sr. na siya niyang papel sa ‘Martyr Or Murderer’.
Hiningan kasi namin siya, kahit imposible ng mensahe para sa dating Pangulo kung sakaling makakausap niya ito…
“Maraming salamat sa pagmamahal mo sa ating bayan. Maraming salamat at hindi mo binigyan ng command ang Armed Forces, ang kapulisan, para pagbabarilin ang mga nagra-rally sa EDSA noon, na puwede ninyong gawin to retain your power, but you didn’t.
“Mas pinagpasya ninyong hindi bale ng i-give up ang inyong puwesto, kesa makapatay kayo ng kapwa ninyo Pilipino na matagal ninyo ng pinaglilingkuran at minamahal, kaya maraming salamat,” ang seryoso at emosyonal na sinabi ni Cesar.
Tinanong namin si Cesar kung ano ang pagkakapareho nina Cesar at Ferdinand.
“Naku malayo!
“Napakagaling na tao nun at napakagaling magsalita at napakatalino, lahat ng kanyang speeches…extemporaneous yung mga speeches, e.
“Well, tingin ko perfectionist din yung taong yun e, and nung… siyempre ang mai-interview ko na lang ay si Senator Imee [Marcos], so in-interview ko siya kung papaano yung gawi niya, how he thinks before, papaano ba siya magalit, kasi may mga galit ako dun e, papaano ba siya magalit, tinatanong ko yung mga detalyeng ganun.
“So I’m so blessed as an actor na meron pa akong na-i-interview pang ganun, na mga kamag-anak, para lang magampanan ko ng mahusay ang role na yan,” pahayag pa ng multi-awarded actor.
(ROMMEL L. GONZALES)