Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM
- Published on February 21, 2023
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa 56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ipagpapatuloy ng kanyang departamento ang mabilis na pagpapalabas ng budget para sa ibat-ibang programa at proyekto ng gobyerno.
Tiniyak nito na gagawin ng DBM ang paglalabas ng pondo ng episyente, transparent at buong ingat at ng sa gayon ay makasabay sa 8 point socio- economic agenda ng Marcos Administration Jr.
Samantala, kabilang naman sa prayoridad ng administrasyong Marcos na pinondohan ngayong taon ay ang edukasyon, infrastructure development, pangkalusugan at agrikultura. (Daris Jose)